Featured

My Daughter Passed Her Board Exam

I couldn't get myself to sleep no matter what I did. Hence, I decided to just cook breakfast for my son, James, who will go to schoo...

Most Popular

Friday, August 31, 2018

Campus Crush

Nuong nasa elementary ako, mayroong campus crush na itatago na lang natin sa pangalang Glenn. Crush na crush sya ng isang classmate ko na sya ring BFF ko ng mga panahong iyon. One day, pababa kami ng hagdan na napakakintab at napakadulas dahil araw araw pino floorwaxan at binubunot ng mga cleaners na Grade 3, nang matanaw namin si Glenn na malapit na sa dulo ng hagdan. Sa sobrang kilig ng BFF ko, aksidente nya akong natabig, nadulas ako at nahulog sa hagdan na paupong tumalbog-talbog sa bawat step. Naunahan ko pang makarating sa first floor ang nuon ay bumababang campus crush. Tinulungan nya akong makatayo habang nagtatanong,"O anong nangyari saiyo?OK ka lang?" Na taas noo ko namang sinagot nang, "OK lang ako.Thank you ha." Siyempre ayaw pahalata ng lola na pulang-pula na ako sa pagkahiya. Confident at  poised pa rin dapat ang peg.

"OMG, ang guapo naman pala nito talaga," I told myself not showing my BFF M na kinikilig na rin ako sa crush niya. Since then, tuwing makakasalubong kami ni Glenn sa loob ng campus ay agad nya akong ngingitian at tatanungin ng, "Kamusta ka na?" Natatawa siguro sya dahil naaalala nya ang insidente sa hagdan. Makes me feel embarrassed.

Naging dahilan iyong ng pagbabago ni M sakìn.Naging malamig na ang pakikitungo nya at nagpalit na rin sya ng BFF. Marahil ay nagselos sa atensyon na ibinibigay ni Glenn. Kumalat sa campus ang balitang crush daw ako ng campus crush. That gave me instant popularity sa school and people started seeing me as a campus queen. Pero nawala naman ang BFF ko. Isang pagkakadulas sa hagdan na itinuturing kong most embarrasing moment of my life ang nagbago ng aking buhay. Na develop sa akin ang confidence. Pwede palang magkagusto sa isang simpleng babaeng katulad ko ang isang katulad ni Glenn.


Join jfora.net if you want to earn $ by posting comments and ads.

No comments:

Post a Comment