“Anong pangalan ng driver nyo?”
“Puchi.”
Tumawa ng malakas ang kaibigan ni Robie. ”Ang pangit ng pangalan ng driver nyo. Parang pangalan ng aso.”
Ewan ko ba. Kung tutuusin, wala namang kakwenta-kwentang bagay pero nakaramdam agad ako ng matinding pagkaasar sa kanya.

”Ang hangin naman nitong isang ito,” I told myself, sabay tingin sa kanya ng matalim. Unfortunately, ganun ang tingin ko sa kanya ng mapalingon sya sa direksyon ko. Agad ko naman syang inirapan sabay tingin sa malayo. Mukhang ako naman ang pag-iinitan nya pagkatapos.
“Bro, what’s her name ba?” Tanong nya kay Robie.
Muli akong bumaling sa kinauupuan nilang dalawa. Ingat na ingat ako na hindi mapansin ng mahanging nilalang na nakatingin ako sa kanila.

Bahagyang lumingon si Robie sa akin, “Ah si Hilda.” Nuon ay Hilda ang pet name na itinatawag sa akin ng mga classmates at schoolmates ko.
“Maganda sana kaya lang mukhang suplada.”
Umusok yata ang tenga ko pagkarinig ko nuon. Ipinangako ko sa sarili ko na tatandaan ko ang mukha ng mahanging ito. Maya-maya ay nagdatingan na ang iba naming mga ka-service. Dahil dun ay nagpaalam na rin ang kaibigan ni Robie. Lihim ko syang sinundan ng tingin, sumakay sya sa isang sasakyan na gold ang pintura at may stripes. Iyon marahil ang school service niya.
Naging napakainit ng dugo ko sa kanya mula nuon at sa tuwing nakikita ko sya sa campus ay automatic ko syang iniirapan at ini-ismiran. Kapag uwian, may mga pagkakataon na sumasakay pa rin sya saglit sa school service namin upang makipagkwentuhan kay Robie. Kapag natanaw ko mula pa lang sa malayo na nanduon sya, hindi muna ako pupunta duon, bagkus ay tatambay muna ako sa bench o sa loob ng library para lang maiwasan na mag krus ang landas namin.
Sa kabila ng labis na pagkaasar na nararamdaman ko sa kanya, hindi ko naman maipagkaila sa sarili ko na sobra akong na curious sa kanya. Madalas e nauunang umalis ang service niya sa amin, at nakagawian ko nang lihim itong sundan ng tingin hanggang sa nakabisado ko na kung saang parte sya ng sasakyan umuupo. Pinagmamasdan ko rin siya kapag natatanaw ko siya mula sa bintana ng elementary building. Kaklase pala nya si Robie. Tinandaan ko ang room niya at lagi ko itong tinatanaw kapag mapapadaan ako sa bintana ng elementary building. First year high school na pala sya. Pati mga barkada nya ay tinandaan ko ang mga mukha. Kapag sinuman sa kanila ay makakasalubong ko, agad akong lilihis ng daan sa takot na baka kasama nila sya. Ayaw na ayaw ko syang makita pero kapag hindi ko naman sya nakikita ay tila ba kulang ang araw ko.
Madalas ko din syang natatanaw sa bintana ng elementary building na naglalaro ng basketball at nakikipag show down sa break dancing. Napakagaling niyang magsayaw ng break dance. Star player din pala siya ng basketball sa high school level. Sa ilang impormasyon na nakuha ko tungkol sa kanya sa pamamagitan lamang ng madalas at lihim na pagmamasid, hindi ko pa rin nalaman kung ano ang pangalan nya.
Hanggang isang araw, nadatnan ko na naman sya sa service namin na katabi ni Robie. Pagsakay ko, bigla naman syang bumaba na para bang napaso kung saan. Siguro, kung ang pakiramdam ko ay malakas ang hangin sa loob ng service kapag nandun sya, pakiramdam naman nya ay sinisilaban ito kapag ako ang nanduon.Mukhang nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan naming dalawa kahit hindi naman kami magkakilala. Isa sa mga ka service ko na nasa senior high school na ang kumausap kay Robie.
“O, bakit umalis na si M------?”

Natuwa ako. Sa wakas nalaman ko na rin ang pangalan nya. Hindi ko na naintindihan kung ano ang isinagot ni Robie kay Charina dahil nuon ay sinusundan ko na ng tingin ang papaalis ng service na kulay ginto.
Makalipas ang ilang linggo, nagulat ako kung bakit madalas ko na siyang nakakasalubong sa elementary building kasama ng mga kaibigan nya. I found out na may nakababata pala syang kapatid na ka batch ko at sa tabi lang ng room namin nag ru-room. E di mas lalo pang napadalas ang pagkikita namin. Inalam ko sa dati kong classmate na classmate na ngayon ng kapatid nya kung ano ang buong pangalang ng kapatid nya. From that I figured out kung ano ang buong pangalan ng aking first crush. I gave him the alias MM dahil yun ang initials nya. Dahil duon ay na curious din ako kung ano ba ang chocolate na M&M at simula nuon ay hindi na maiwasan na maalala ko siya tuwing makakakita ako ng M&M.
Isang araw, may inabot na maliit na papel sa akin ang dalawa kong kaibigan. Bigay daw ng crush ko sabi nila. Inabot daw sa kanila ng makasalubong nila ito malapit sa basketball court. Nung binuksan koyun, isa itong note na isinulat sa maganda at malinis na sulat kamay, ang nakasaad duon ay:

Dear Hilda,
I love you.
M----- M-----
I love you.
M----- M-----
Nasundan pa iyon ng isang may kahabaang sulat pagkalipas ng ilang araw na bagamat hindi ko na tanda ang lahat ng laman ay hindi ko makakalimutan ang bahagi kung saan sinabi nya na gusto nya akong ligawan pero hindi daw pwede kasi maliit pa daw ako. Hihintayin nya daw akong mag first year at saka nya ako liligawan. Sana naman daw, pagdating nang panahong iyon ay huwag na akong magpakipot dahil alam naman daw nya na dead na dead din ako sa kanya. Sobrang nakakainis at over confident ang kalansay. Sa kabila nuon, hindi ko naman maitanggi sa sarili ko na kilig na kilig ako. Matagal kong itinago ang mga notes na iyon.
Hanggang sa napansin ko na sumasaglit pa rin ng madalas si MM sa school service namin pero hindi na para makipagkwentuhan kay Robie kundi kay Kaye na ka batch mate din nila. Observing them makes me realize na sila na pala. Sa dinami-dami ng babae sa campus bakit naman ito pang babaeng ito na mahaba ang leeg na labis ko ring kinaiiisan ang naging GF niya? Nakaramdam ba ako ng selos at ang pinagkakaingat-ingatan kong love notes galing sa kanya ay bigla kong naisipang itapon? Nanghinayang ako pagkatapos pero huli na ang lahat. Lumipas ang mga taon at naging Grade 6 na ako. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging kaibigan ang kapatid nya at bahagya akong nakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Ang tatay daw nila e babaero at marami silang magkakapatid sa iba't-ibang nanay. Namana daw ata ng kuya nya ang pagka playboy nito dahil bawat baranggay daw ata ay may GF ang kuya nya.
Sa kasamaang palad ay naaksidente ang papa ko at kinailangan naming lumipat bigla sa Caloocan. Kinailangan ko na ring lumipat ng iskwelahan dahil hindi na namin kakayanin pa ang tuition ng private school. Ilang araw ko ring iniiyak iyon dahil sa lungkot. Mapapalayo na ako sa mga kaibigan ko at sa mahal kong alma mater. Bukod duon, nakadagdag pa sa lungkot ko ang sinabi ni MM sa sulat nya na liligawan nya ako pagdating ko ng first year. Ngayong lilipat na kami, hindi na rin iyon matutuloy. Nang minsan akong dumalaw sa school para kunin ang mga naiwan kong gamit sa locker, ikinuwento sa akin ng isang ka-service ko na pumunta daw si MM sa service namin nuong hindi na ako pumapasok para hanapin ako at nuong sinabi nilang, hindi na ako pumapasok ay pumunta daw ito sa harapan ng service at hinampas iyon ng malakas gamit ang kamay nya. Bagamat tinatawag daw sya ng GF niyang ubod ng arte for me ay hindi daw nya pinansin. Dirediretso lang sya sa service nila, naupo at nangalumbaba.Nang paalis na ang school service namin, kinawayan daw siya ni Kaye habang isinisigaw ang mga salitang, "Bye M----!" na hindi naman daw nito pinansin. Sayang naman. Sana nuon pa nya yun ginawa...nuong nanduon pa ako.
Lumipas na ang napakaraming taon. Naalala ko pa rin sya kapag nakakakita ako ng M&M at ng school service. Nuong nauso ang Facebook ay hinanap ko sya at sa kabutihang palad ay naging FB friends kami bagamat hindi kami nakakapag-usap. Parang tulad lang nuong dati. Nandiyan sya, nandyan ako pero hindi man lang kami nagpapansinan. Masaya naman akong makita na may maayos na syang pamilya. Ako rin naman ay ganun din. At least, hindi si Kaye ang nakatuluyan nya. The maarte girl.
Mananatili siya sa alaala ko bilang kauna-unahan kong crush at malamang ay naging kauna-unahang BF din sana kung hindi ako napa-transfer ng ibang school.

No comments:
Post a Comment